Pagkaalis ni Erik ay napansin kong may bagong lipat sa kabilang bahay. Lumapit ako.
Bumaba ang nakasando na lalake sa jeep, naka-rubber shoes ito at maong. Tantya ko mga nasa 25 na ito.
"Bagong lipat kayo?" tanong ko.
"Oo. Dati ako sa Laguna. Nabili ni misis tong lupa dito sa Manila."
"Ah, eh asan si misis? Bat ikaw lang mag-isa?" tanong ko.
"Naku nasa Canada pa. Maaga lang ako lumipat para maayos na to pagdating niya. Sa sunod na buwan pa balik."
"Ako pala si Greg, katabi mo lang ako. . Haha.."
"Jerome nga pala tol. Mukhang may bago na agad akong kaibigan dito ah."
"Haha wala yon. Pag may kailangan ka katok ka lang sa bahay."
"Oh, sige pare. Aayusin ko muna mga gamit na ipapasok sa loob. Matinding trabaho to." sabay kindat at ngiti saken ni Jerome.
(itutuloy...)
Sunday, August 23, 2009
Subscribe to:
Posts (Atom)